Oh kay bilis ng pag-ikot ng mundo,
panibagong araw ang pag gising ng araw,
kung mauulit lang sana ang mga nangyari sa muling pag ikot nito,
hindi na sana ako mangangamba na mawala ka sa tabi ko,
sa lugar kung saan ang mga paa ay hindi mapakali,
mga isip ay nakatuon sa kung paano bubunuin ang mag-hapon,
sa lugar kung saan lahat ay matibay,
mas pipiliin kong magpahinga sa tabi mo,
mas gugustuhin ang maging marupok pag dating sayo,
dahil kung ang pagmamahal sayo ay mag dudulot lamang ng sakit sa araw ng iyong paglisan,
mas gugustuhin kong ikaw ang magpaulit-ulit ng sakit dahil sayo ko nauulit ang pagiging masaya,
dahil ang totoo,
ang taong may alam kung paano tayo saktan ay ang tao na hindi natin magawang iwan,
kaya't sa araw na masaya tayo't sa isa't-isa,
sana'y magdesisyon na magpuyat ang araw at tamarin gumising ang buwan.
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...