Pitong kasalanan: Kalibugan

29 1 0
                                    



"Umiinit ang sikmura,
Nakatitig lang sa iyong mga mata pero ang katawan ay pawisan,
Mabilis tumakbo ang dugo sa'king bawat ugat,
Ito ang ating laban na gugustuhin mong walang umawat,
Napakagat ng labi,
Wag ka sanang masyadong maarte,
Doon tayo sa parke,
Sa kwarto,
Sa lugar na madilim at wala gaanong dumadaan na tao,
Pwede sa banyo,
Pwede na dito,
Pwede na doon basta ang importante walang makakita,
Pwede din naman sa madilim na bahagi ng Luneta,
Sa mga motel sa Baklaran,
Sa gilid ng sinehan,
Basta ang importante mailabas itong demonyo sa'ting katawan,
Demonyong nagpapawala sa atin sa katinuan,
Halikan mo ako na para bang wala ng bukas,
Yakapin mo ako na para bang ikaw ang pulis at ako ang magnanakaw na gustong tumakas,
Yan! higpitan mo pa,
Kamutin ang likod hanggang magkaroon ng mga pulang linya,
Sasabunutan kita,
Sasakalin ka,
Pero di mo naman maiisip na isa akong sadista,
Tumutili na ang kama,
Iba't ibang posisyon pero sana ang tuhod ay wag sanang manghina,
Ayoko ng may sagabal,
Ayokong mabitin,
Sana kinabukasan ay muli natin itong ulitin,
Malapit na tayo sa kasukdulan,
Malapit ng matapos ang laban,
At sa pagkawala ng likido sa katawan ay syang pagkawala ng demonyo,
Samahan mo akong tapusin ito sa pagbuga ng usok ng pulang marlboro."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon