Ang nag hihintay

121 5 1
                                    


"Sunduin mo ako sa trabaho, pumunta ka ron bago mag alas dose ng madaling araw, hihintayin kita, aasahan kita,
Yan ang mga linyang naririnig ko sa tuwing papasok ka pa lang sayong trabaho,
Pumunta ka bago mag alas dose,
Pumunta ka bago mag alas dose,
Pumunta ka bago mag alas dose,
Madalas kasi akong makatulog kaya't sinisigurado mo na tutupad ako sa usapan,
At pumunta ako ng mas maaga pa sa alas dose,
Tanaw sa malaking bintana ang aligaga mong katawan sa pag ta'trabaho,
Alas onse ng gabi,
Masyado pang maaga kaya't kinilala ko muna ang mga poste sa tabi,
Binigyan ng pangalan ang mga bituin,
At sinilaw ang mata sa mga ilaw ng mga kotseng nag uunahan ng umuwi,
Nangalay na ang leeg sa kakalingon sayo,
Nilalamok na ang paa,
Nag babadya ng tumulo ang pawis,
Naglakad na palayo ang oras at naiwan na ang alas dose,
Ito na ang oras kung saan darating ka,
Pawisan,
Pagod ang katawan ngunit hindi ang mga mata,
Kahit walang kolurete sa mukha,
Napaka ganda mo,
Ako ay isang mainiping tao na hilig ang mag hintay sayo."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon