Schizo

26 1 0
                                    


"Lumaki akong takot sa kidlat,
Sa pag sapit ng tag ulan ay iniiwasan kong
mag suot ng kulay na pula dahil sabi nila na mainit sa mata ng kidlat ang kulay na pula,
Baka matamaan ka,
Kaya't lumaki akong takot sa kidlat,
Nakakainis lang kasi na makarinig ng malakas na tunog sa kalangitan na gagambala sa mapayapang katahimikan,
Nakakainis na magugulat ka na lang,
At magugulat ka na lang,
At nagulat ako ng malaman ko na sa tulong ng kulog ay malalaman mong darating ang kidlat,
Nawala ang biglaang gulat na madarama sa mapayapang katahimikan o ang lagalag na paghahanap ng masisilungan pag ako'y naiwang nakapula sa kalsada,
Nakakatawa na dahil nalaman ko na ang kahinaan nito ay hanggang ngayon ay takot parin ako,
Hindi na dahil sa baka matamaan ako nito sa ano mang kulay na suot ko,
Kidlat ang hudyat upang makarating ako sa masalimuot kong mundo,
Ako ay isa taong namamangka sa pagitan ng dalawang mundo,
Dito makakarinig ka ng matitinis na tunog na nang gagaling sa kung san-san,
Dito nag iiba ang itsura ng mga taong nakapaligid sayo,
Babalik ang ang mukha ng mga taong ayaw mong maalala,
Babalik sila sa katauhan ng iba,
Pero huwag kang magpadala,
Iwasan mong labanan ang agos ng kathang isip,
Sumabay ka lang at magpaanod hanggang sa dalhin ka nito sa mapayapang karagatan,
Huwag kang magpadala sa nakikita o naririnig,
Ang mga pandama ay ipag sawalang bahala muna,
Maraming nagsasabing baliw ako,
May sapak sa utak o kung ano man,
Ngunit tulad ng malalang sakit,
Hindi mo hihilingin na magkaroon nito,
Ako ang taong namamangka sa pagitan ng dalawang mundo,
Sa mundong ang katotohanan ay kasinungalingan at ang kasinungalingan ay katotohanan,
Lugar kung saan ang mga bagay ay iba sa normal kaya't kung gusto mong tumakas sa reyalidad,
Halina't kilalanin ako sa mundong tinatawag na kabaliwan."


HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon