Problema sa buhay o problema ang buhay?

11 1 0
                                    



"Sa bawat liwanag mayroong kadiliman na nakatago sa gilid ng kwarto,
Kasiyahang panandalian sa buhay na puno ng kalbaryo,
Inakalang kaibigan ang syang may lanseta na hawak,
Mga dagdag pabigat sa bagaheng hindi na maihatak,
Ekspektasyon ng magulang ay sing lalim ng dagat,
At ikaw ang anak na hindi marunong lumangoy,
Mga taong nakaputi ngunit hindi maitago ang mabahong amoy,
Sa pagtakbo sa buhay kasalanan daw ang mapagod,
Sa agos ng buhay hayaan mo na lang ika'y maanod,
Dahil ang buhay nga ba ay puno ng problemang walang katapusan?
O ang buhay mismo ay ang problemang walang katapusan."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon