Tulay

39 4 1
                                    



Ikaw ay isang islang malayo sa akin, 

Tinatanaw kita sa aking mga mata, 

Kita ko ang iyong natatanging ganda, 

Nais kong lumapit at mapalapit sayo, 

Ngunit masyadong kang malayo, 

Ikaw ang isang islang malayo saakin, 

Nais kong lumapit at mapalapit sayo, 

Nais kitang languyin, 

Pero natakot ako sa dagat na naghihiwalay sa atin, 

Sa mga alon na kaya akong lunurin, 

Tinalo ako ng takot, 

Tinalo ako ng takot, 

Tinalo ako ng takot, 

Ngunit ngayon ay sawa na akong titigan ka lang sa malayo, 

Sawa na akong mag paalila sa takot, 

Ang gusto ko ay lumapit at mapalapit sayo, 

 Lumapit at mapalapit sayo, 

At hindi ko namalayan, na sa aking kagustuhan na mapalapit sa piling mo, 

Ay nakabuo ako ng tulay patungo sayo." 

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon