Ang simula ng pagpupuyat

34 1 0
                                    


"Ang kwarto ay ganoon parin ang ayos simula noong umalis ka,

Mula sa alikabok sa ilalim ng kama,Sa naiwang pahina ng bukas na libro,

Hanggang sa amoy ng iyong naiwang pabango na nakatira na saking unan,

Ang araw na iniwan mo akong natutulog ay ang simula ng aking pagpupuyat,

Naisip ko na noong mga panahon na kasama kita ay dapat pinigilan ko ang pagkurap,

Hindi ko inaasahan na sa isang kisap mata ay mawawala ka na lang bigla sa paningin,

At nawala ka nga ng tuluyan

Nawa'y malaman ko kung paano ka kalimutan dahil gusto ko nang matulog,

Mahulog sana sa maalikabok na kisame na kanina ko pa tinititigan ang kasagutan."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon