Araw-araw

36 2 0
                                    


"Dumilat at inaninag ang kawalan,
Babangon pa ba ang pagod kong katawan,
Sa hirap ng kahapon,
Gumising sa ngayon at iniisip na ang kinabukasan,
Araw araw ang itinanim mong pagmamahal ay namumunga na ng mga katanungan,
Nabubulok na ba ang pag ibig na inalay?
O sadyang napagod na ang mga bisig sa pagkakayakap at tuluyan na itong nangalay,
Nawala na ang pagkasabik,
Wala ng lasa ang mga halik,
Ngunit ang pag ibig ay hindi puro kilig,
At ang kilig ay hindi maiituring na pagibig,
Kaya kung nawala na ang paruparo sa sikmura tuwing kasama ka,
Huwag kang mag aalala,
Dahil kuntento ako sayo,
Pipiliin parin kita sa araw araw."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon