Minsan kong inibig ang lumbay

43 2 0
                                    



"Minsan ko ng inibig ang lumbay dahil sa taglay nitong kapayapaan,

Nakahiligan na ang pagtanim ng katawan sa higaan at kung makikilala mo ng mabuti ito,

Maiintindihan mo ako,

Minsan ko ng inibig ang lumbay dahil dito masarap magpahinga,

Malayo sa mapanghusgang mga mata,

Mga bibig na ayaw tumikom at sa mga taong ayaw kong makasalamuha,

Minsan ko ng inibig ang lumbay at minsan na rin akong nalulong dito,

Dahil dito ko nahanap ang kapayapaan,

Ngunit biglang kumatok ang pag-ibig,

Pumasok sa tahanan na animo'y isang matagal ng kakilala,

Binago ng hindi ko nalalaman ang mga paniniwala ko sa buhay,

Inibig ko ang pag-ibig dahil dito mas masarap ang magpahinga,

Kahit na may mapanghusgang mga mata,

Mga bibig na ayaw tumikom at kahit kasama ang mga taong ayaw kong makasalamuha,

Basta't kasama ko ang pag-ibig ay masaya akong haharapin ang mga bagay na hindi ko gusto,

Iniibig ko ang pag-ibig dahil mas masaya ako sakanya."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon