"Sabi mo mahal mo ang init na dala ng tag araw na panahon,
Ngunit naghahanap ka ng lamig pag pinagpapawisan ang katawan mo,
Sabi mo mahal mo ang alon ng dagat,
Ngunit agad kang umaahon dahil takot kang malunod sa lalim nito,
Sabi mo mahal mo mga bituin na nakatanim sa itim na kalangitan,
Ngunit agad kang yumuyuko dahil pagod ka ng tingalain sila,
Kaya minsan natatakot din ako pag sinasabi mong ako ay mahal mo,
Dahil baka bigla ka na lang sumuko sa mga di inaasahang bagay na mabibigay ko sayo."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...