"Sa gitna ng kawalan,
Pagitan ng sahig at bubong,
Mga paa'y malayo sa lupa,
Kahit gaano kagaan ang pakiramdam,
Ang bigat ng problema'y hahatakin ka pabalik,
Sa kwarto,
Mga tingin ay malayo,
Nang biglang may kumanta mula sa madilim na sulok,
Himig ng kalungkutan,
Hindi sapat ang pag langgas ng alak,
At ang hagod ng sigarilyo,
Sa dinami-daming bisyo upang panakas sa reyalidad,
Tanging pagyakap sa sakit na binibigay nito ang tunay na gamot,
Tama nga ba ang bawat hakbang na ginawa kahapon upang maatim ang minimithing
kinabukasan?
O tama nga ba na hanapin ang tama?
Sa kakahanap ng kung ano ang pakiramdam ng langit,
Natagpuan ko ang demonyong nagtatago sa akin."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...