Ang tanong sa ulan

35 1 0
                                    



Sa pag pikit ng aking mga mata, 

Kasabay nito ang tanong sa aking isipan, 

Buhay ba ako?O niloloko lang tayo ng reyalidad na nabubuhay tayo, 

Mga patak ng ulan ang aking naririnig, 

Mga larawan sa kwarto na tila sa akin ay nag mamasid, 

Mga pekeng ngiti sa bawat imahe, 

Mga pekeng tao na nakakasalamuha ko palagi, 

Sa gabing maginaw ay unan lang ang syang kasama, 

At sa pag patak muli ng ulan, 

Kasabay nito ang tanong sa aking isipan, 

Buhay ba ako?O niloloko lang tayo ng reyalidad na nabubuhay tayo, 

Pagod na ang mga mata, 

Mabigat na ang mga kamay, 

Sa huling sandali ay inikot muli ang paningin sa kwarto, 

Umaasang bukas ay sana mayroong bago, 

Sa bawat araw na nagdaan ay paulit ulit lang ang nangyayari, 

Gigising, papasok at pag dating ng dilim ay tatanungin muli ang sarili, 

Buhay ba ako?O niloloko lang tayo ng reyalidad na nabubuhay tayo? 

Ay mali! 

 Buhay ba ako? 

O niloloko lang natin ang ating sarili na nabubuhay tayo?

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon