Puyat

69 4 5
                                    

"Kinain ng lobo ang mga tupang kanina pa nagsisitalunan,
Mata na lang ang buhay sa patay kong katawan,
Samu't saring tanong na walang kasagutan,
Nag sindi ng sigarilyo,
Nakinig ng musika,
Sa saliw ng pagkanta ng guliglig at palaka,
Sumayaw ka,
Sa bawat indak,
Bawat galaw ng bewang,
Ito ang sayaw ng kamatayan,
Napainom ng isang baso ng kalungkutan,
Nilanggas ang sugat sa pamamagitan ng luha,
Basa na naman ang unan,
Hindi na makatulog dahil sa paggising mo sakin sa katotohanan."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon