Lapis at papel

30 1 0
                                    


"bigyan mo ako ng lapis at papel at gagawan kita ng armas,
mas matalas pa sa patalim,
mas nakamamatay pa sa baril,
bigyan mo ako ng lapis at papel at iaahon kita sa pagkakalunod mo sa problema,
sa pamamagitan ng salita ay babaguhin ko ang mundo na iyong nakikita,
bigyan mo ako ng lapis at papel at maglalakbay tayo sa panahon,
tignan kung anong meron sa hinaharap at balikan ang masasayang alaala ng kahapon,
at kung sakali na matanggap ako ang lapis at papel na ibibigay mo,
pakiusap lang na iwasan mong wasakin ako,
dahil kung masasaktan ako sa pagtulong ko sayo ay binabalaan kita,
sa pamamagitan ng ibibigay mo ay wawasakin kita."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon