Ang kahulugan ng sining

253 9 3
                                    


"Minsan, may nakapag sabi sakin na ang sining ay gawa ng tao, sa pamamagitan ng malikot na imahinasyon, malikhaing mga kamay at mga damdamin na hindi kayang isigaw ng bibig,
Sa tatlong sangkap na ito ay makakalikha ka ng obra,
Musika,
Sayaw,
Tula,
Sining,
Ang unang beses na makita ko ang mga mata mo,
Ang pag iba nito ng kulay sa tuwing tatamaan ng araw,
Ay sadyang nakakamangha,
Musika ang iyong pagtawa,
Bungisngis man o halakhak,
Pagsayaw ang iyong bawat paggalaw,
At ang mga salita nananggagaling sa iyong bibig ay nagiging tula na kay sarap pakinggan,
Sayo ko nalaman na ang sining ay higit pa sa imahinasyon, mga kamay at damdamin na gawa ng mga tao,
Na ang sining ay makikita sa lahat,
Naging sining na ang kalangitan tuwing gigising ang araw sa kabundukan at ang pag himbing nito sa karagatan,
Sining ang mga nag kikislapang mga ilaw ng siyudad sa kadiliman,
Sining ang tanawin ng sang kalupaan kapag narating na ang rurok ng kabundukan,
At sining ang iyong kagandahan,
Sa iyong bawat pag hinga,
Bawat haplos, ngiti at mga tawa,
Patuloy sayong mamamangha,
Dahil ikaw ang nagbigay ng malalim na kahulugan ng sining."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon