Ang tinayo nating museleo

40 1 0
                                    



Sabi nila, bago ka tumingin sa kinabukasan ay mainam nabalikan mo muna ang kahapon, 

Ulitin natin ang mga serye ng pangyayari na kung paano nabuo ang ano, 

Kung paano naging sino ang tao, 

Balikan natin ang kasaysayan, 

Ang mga digmaan at kasunduan, 

Ang pagligo ng tao sa sarili nyang dugo, 

Balikan natin kung saan kalaban ng tao ang tao, 

At kung paano naging kalaban ng tao ang sarili nya, 

Hindi ba't nakakamangha kung paano naging ganito tayo sa kasalukuyan? 


 At narito ako kasalukuyan, 

Nakakulong sa tinayo nating musuleo, 

Madalas kapag gabi ay lumilitaw sa kwarto ang pinto nito,

Hinihintay akong makapasok, 

Ang pag gala rito ay isang libangan sa gabi na pwede kong ulit ulitin, 

Isang tanong na ang kasagutan ay tanong, 

Dito nakahimlay ang mga plano, 

Kung paano ito nabuo sa ating usapan,

 Ang mga larawan ng biglaang yakap at halik ay dito matatagpuan, 

Marami rin ditong mga papeles ng pangako, 

Sinubukan ko na itong sunugin, 

Ngunit ang mga pangako ay nakasulat sa tubig, 

Minsan kitang inibig, 

At iniibig pa rin kita, 

Na kahit ng walang posibilidad na maka alis ako sa museleong ito, 

Handa akong magtayo at makulong sa panibagong gagawin mo.

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon