"Hinarap nya ang reyalidad na bitbit ang pangarap bilang sandata,
Sigasig bilang panangga,
At baon ang hindi masukat na kompyansya,
Handa na ang bata sa pagtapak sa legalidad,
Handang hamunin ang reyalidad,
Nagsimulang maglakad ang mga paa,
Ang ngiti na kanyang baon ay unti unti nawawala ng makita ang mga kasabay sa kanyang pag lalakbay,
Nangangalay na ang tuhod,
Pagod na ang mga hita,
Masyadong mabigat ang mga dala kayat binitawan nya ang sigasig na kanyang panangga,
Nagpatuloy sya sa pag lalakad at ngayon ay hindi na sya maaring matawag na bata,
Minadali nya ang paglalakbay,
Nagsimulang tumakbo,
Malaking hakbang na may mabilis na padyak,
Hinahabol sya ng kanyang hininga,
Madaling napagod kaya't inubos nya ang dalang baon,
Sa bawat pag tulog ng araw at paggising ng buwan,
Ang gusto na lamang ng munting manlalakbay ay mabuhay,
Kaya't iniwan nya na ang dalang pangarap,
Nagpatuloy sa buhay akay akay ang pagod na sarili,
Bumagal ang pag tibok ng puso,
Inaantok na mga mata,
At sa kanyang huling hininga,
Napagtanto nya na hindi sya nabuhay sa kanyang buhay."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...