"Hinulma ng oras ang tingin mo sa buhay,
Kasabay sa pag martsa ng mga taong iisa lang ang tingin,
Isa ka lumingon para makita kung ang paglalakbay ba ay tama,
Kung tama nga bang lumingon sa parada,
Tumingin ka sa harapan,
Mga naguunahan na makarating sa kanilang paroroonan na nakalimutan na ang saya sa biyahe,
Sumilip ka sa likuran at nakita mo ang mga taong nakalutang dahil napagod sa biyahe,
Napapagod ka ba?
O teka, hindi ba't sa pagtakbo natin sa buhay kasalanan na ang mapagod?
Na sa pagsisid natin sa problema kasalanan ang malunod?
Ito ang parada ng mga tanga."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
Thơ caMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...