"Ang siklo ng buhay ay paulit ulit lang,
Uulit ng uulit hanggang sa matagpuan mo ang sarili mong nakagapos sa mga katangungan,
Masaya ba ako sa buhay na meron ako?
O sadyang pagod lang akong mabuhay,
Ito'y iikot muli hanggang sa maiharap sayo ang oras,
Sa kung paanong unting unting gumising ang mga kalyo sa malalambot na palad,
Sa kung paanong unti unting pumupungay ang mga mata,
Mga taong nakikilala,
Mga taong nagpapaalam,
Nasulit mo ba ang oras na kasama sila?
O sadyang mas pipiliin mong mabuhay na mag isa,
Maraming mga kamay ang bukas upang yakapin ka,
Marami rin namang naghihintay upang maitulak ka,
Hindi lahat ng imahinasyon ay masaya,
Minsan ang mga pangyayareng nabubuo sa iyong isipan ang magpapawala sayo sa katinuan,
At sa pag-dilat muli ng iyong matang mapungay,
Nalaman mo na sa unti unti mong paglapit sa kamatayan ay unti unti mo ring nalalaman ang kahulugan ng buhay."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...