Dalawang tao

51 2 0
                                    


"Naligo ka sa sarili mong mga luha,
Ubos na ang dugo ko sa paulit ulit kong pag ukit ng mga pulang linya,
Nais mong humanap ng tahanan,
Habang ako ay nagpapahinga sa kwarto,
Hindi iniisip ang mga lugar na nawasak sa labas ng bahay,
Nais mong bumalik,
Takot ako sa pagbabalik,
Hindi dahil sa ayaw ko na,
Sadyang takot lang talaga,
Sa digmaan ng pagod na puso,
Hindi natalo ang iyo,
Dahil ang sakit na dinulot ko sayo'y balang araw ay lilisan din,
Samantalang ang mga alaala mo ay ang sakit na habang buhay kong iindahin."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon