Ang pag-ibig ng bundok sa dagat

27 1 0
                                    


"Noon pa man,

Bundok na ang hari ng sangkalupaan,

Sinasamba ng mga engkanto't diwata,

Tinitingala ng mga mortal,

Sa tikas ng tindig nito hindi maikakaila na sya nga ang hari,

Ngunit sa kabila ng lahat na meron sya,

Sa lawak ng kaharian na nasasakupan nya,

Sa kaloob-looban ng hari ay pakiramdam nya ay may piyesa paring kulang,

Iniibig nya ang dagat,

Ang repleksyon ng asul na kalangitan ay mas gumaganda sa pag sayaw ng alon nito,

Ang tunog ng tubig na humahalik sa mga bato,

At ang lalim nito,

Iniibig ng bundok ang dagat,

Ngunit katulad ng mga mortal na umiibig,

Hindi magawang ipakita ng hari ang pag ibig na mas malalim pa sa kanyang iniibig,

Hindi dahil sa hindi nya kaya,

Sadyang hindi lang sila itinadhana,

Ako ang bundok at ikaw ang dagat."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon