"Usok ang maamoy sa buong paligid upang takpan ang masangsang mong amoy,
Pero hindi ko sinasabi na may putok ka o amoy araw,
Sadyang hindi lang talaga kaaya aya ang halimuon ng inaagnas na katawan,
Buka ang likuran,
Inuunod na laman,
Ilang linggo ng hindi sinisikatan ng araw kaya't lumamig ang yong katawan,
Ang kinakalawang na pako na nakabaon sa bawat kuko mo ay ang patunay na nakakamatay ang pangakong napako,
Patalim sayong puso,
Ang dila at tengang nakasabit na ginawang palawit para sa ganon ay hindi ka na umalis,
Hindi bat pinangako mong hindi ka na aalis?
At tuwing malamig,
Andyan ang braso mong ginagawa kong unan,
Nagbibigay ng init sa ginaw,
Alam ang pinakatatagong kong sigaw,
Ang sarap pala tuwing gigising ka sa umaga na nakatingin lang ang walang buhay mong mga mata sa akin,
Na para bang ako lang ang nakikita,
Ang baga mong nangingitim ay ang dahilan para malaman ko na masama ang manigarilyo,
Ngunit hindi ka naman namatay sa bisyo,
Kaya wala na akong pake kung makaubos man ako ng kaha ng sigarilyo
Natuyong dugo sa kumot,
Kamatayang masalimuot,
Ginunting na buhok,
At sigarilyong nakapasok sa butas sayong batok,
Pasensya na kung nagawa ko to sayo,
Ikaw ang sagot sa aking mundo ng katanungan,
Hindi ko na kayang muli ka pang umalis,
Ang gusto ko lang naman ay huwag mo na akong iwan,
Dahil sa kamatayan siguradong hindi ka na lilisan."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...