Sa paggising mo sa katotohanan

18 1 0
                                    



"Oras kung saan nakahimlay ang bawat isipan,
Palaka at kuliglig na nagkakantahan,
Lumiwanag ang ilaw sa buwan,
At ang hangin ay hinawi ang ulap sa kalangitan,
Lumabas ang iyong kagandahan,
Nabuhay ang mundong itim ang kulay,
Tanggapin mo sana ang pusong iniaalay,
Lunurin ang isipan sa malalalim na usapan,
Habang ikinukulong ang katawan sa yakap ng isa't isa,
Mga salitang naglalabasan sa bibig na parang may karera,
Paghipak ng sigarilyo habang hinahabol ang hininga,
Nakita ko ang sarili na mapayapa sa iyo,
Ako'y magiging mapayapa lamang sa iyo,
At napaos na ang kuliglig at mga palaka,
Kasabay ng liwanag na naglaho na,
Ang buwan ay kinumutan ng ulap sa kalangitan,
Hindi na makatulog dahil ginising mo sa katotohanan."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon