Tugma

42 3 0
                                    



"Ako ay isang karpintero at ang mga salita ay araw-araw kong kinukumpuni upang ang mga ito ay magkaroon ng pakiramdam na magpaparamdam sa mga magbabasa nito,

Nalaman ko na ang salita ay mas nakamamatay sa mga baril,

Ang kapayapaan ay kaya nito gawing digmaan at ang digmaan ay magkakaroon ng kapayapaan,

Ilang beses kong hinanap ang salita na tutugma sa nararamdaman ko sayo,

Ngunit tila imposible dahil higit ka pa sa magagandang salita na naiisip ko,

At ng matapos ang pag-alay ilang libong salita sa mga tula na nagawa ay talagang wala ng mas tutugma sa salitang minahal kita sa minamahal parin kita,

Pakiusap, bumalik ka."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon