Hayaan mo akong humimlay sa ilalim ng lupang buong buhay kong binungkal,
Sa lupang tinamnan at inani,
Lupang nagpakilala ng kalyo sa aking mga daliri,
Gawing pataba ang payat kong katawan upang mas lumago at mamunga ang mga itinanim na hindi natikman ng aking dila,
Binigyan ko ang mga anak nila ng pagkain sa aking mga inani ngunit bakit nila nagawang magtanim ng bakal sa loob ng aking bungo,
Sa paglaglag ng aking pawis sa maghapong pakikipag buno sa lupa ay sinuklian nila ito ng paglaglag ng basyo,
Hindi ko ginusto ang ganitong uri ng pamumuhay kaya't pasensya na kung minsan akong lumaban para sa lupang bumubuhay sa akin, sa amin, sayo at sa inyong mga pamilya,
Pasensya na.

BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...