"Ako ay isang taong namamangka sa dalawang katanungan,
Kung mas marapat bang ibigin ang sarili o mas marapat ibigay sayo ang pag ibig,
Ang oras ko ay oras ko,
At ang oras ko ay mananatiling iyo,
Simpatya, pag mamahal at oras,
Yan ang mga bagay na kailangan ko,
At nalaman ko na mas masarap kung ikaw ang magbibigay ng mga ito,
Ako ay isang taong namamangka sa dalawang katanungan,
Kung ibigin ang sarili at habang buhay na mag iisa,
O ibigin ka ng mawala na ang mga pangamba,
Sakim ang salitang marapat na itawag sa akin,
Pero kung iisipin,
Nariyan na ang kasagutan,
Ipagdadamot ko ang pag ibig na binibigay mo,
Ako ay namangka sa pagitan ng dalawang katanungan,
Ngunit ngayon ay nilisan ko na ang bangka dahil natagpuan ko na ang kasagutan,
Ikaw ang dalampasigan,
Habang buhay akong mananatili sayo."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...