Ang nag-iisa at ang pag-ibig

19 1 0
                                    




Sa pag tabig ng mga matataas na damo ay nasulyapan ang mga ilaw na lumilipad, 

Na animo'y sumsayaw sa bawat pag kumpas ng hangin, 

Maupo tayo sa gitna nila, 

Saksihan ang pagliwanag ng paligid na hindi lamang ang buwan at mga bituin sa taas ang pinag kukunan ng liwanag, 

At sa gitna ng ingay ng mga kuliglig nag tanong ang pag-ibig, 

"Gaano mo ako kamahal?" 

Sumalyap sakanya ang nag-iisa, 

"Sigurado na ako na ikaw ang katabi sa bawat paggising ko sa umaga." 

At sa sandaling yoon, 

Halik ang panapos sa kanilang pag-uusap, 

Magkayakap nilang hinarap ang paggising ng araw.

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon