Katotohanan

27 2 0
                                    



Minsan, naisip ko kung ano ba ang itsura ng katotohanan,

Ito ba ay higit na maliwanag kaysa sa sinag ng araw o mas madilim sa anino?

Gaano ito kalaki? Sing liit ba ng alikabok sa bintana?

O ang katotohanan ay nababalot ng buhangin kaya't ang iba ay pinili ipikit ang kanilang mga mata,

Mahirap bang makita ang katotohanan?

O sadyang nalinlang ang paningin ng marami sa kasinungalingan na bumabalot dito,

May tunog ang ilusyon,

Kaya't marami ang napapalingon,

Tulad ng mga matatamis na salita,

Marami ang nahuhumaling dahil masarap ito sa tenga,

Ngunit kung iisipin,

Ang matatamis na salita ay kailan man hindi maririnig ng mga tunay na nakikinig,

Sapagkat walang panlasa ang tenga,

Marami ang nanatiling dilat kahit na mabuhangin ang katotohanan,

Marami ang mga kamay na hindi pumitas sa mga mabubulaklak na salita,

At marami ang bumoses kahit napipe na ang iba,

Lumaban para sa Bayan hindi sa pansarili lamang,

Sapagkat hindi isinulat ang Noli Me Tangere para sa katuwaan lamang.

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon