"Pilit na nag lalaro ang mga salita sa isipan,
Ang mga letra ay unti unting binubuo ang iyong pangalan,
Ang mga paru paro ay nagsisipasok sa aking bibig para matikman muli ang tamis ng nakaraan,
At ang leeg ay lilingon muli para tignan kung ikaw ba ay nakasunod pa,
Nag babakasakaling babalik ka pa,
Araw araw ganito ang eksena,
Araw araw mimulto ako ng mga alaala,
Dito ko natutunan na yakapin ang sakit hanggang sa masanay na sa hapdi na dinudulot nito,
Dahil minsan kang naging gamot para pagalingin ang mga pasa at sugat na dinulot ng mundo,
Pero lumipas ang mga araw na ikaw na ang dahilan kung bakit nag gagamot parin ako,
Minsan kang naging sigarilyo na nag papawala ng mga problema,
Pero ikaw din ang syang dahilan kung bakit mabigat ang aking bawat pag hinga,
Ikaw ang naging lakas,
Ikaw ang dahilan ng aking pag hina,
Ikaw ang bumuo sa akin,
Ikaw din ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay parang may kulang,
Ikaw ang laging nakikita,
Ikaw din ang dahilan kung bakit ayaw ng dumilat ng mga mata,
Ikaw ang nagpalaya,
Pero ikaw din ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ang mga kamay ko ay nakaposas at ang mga paa ay nakatali,
Ikaw ang dahilan ng mga ito,
Pero hindi kita sinisisi sa mga nararamdaman ko,
Ang gusto ko lang naman sabihin ay minahal ko na ang sakit na dinulot mo."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...