Kailangan ko ng pag salba

20 2 0
                                    


"Kailangan ko ng pag salba,
Mula sa mga tao,
Sa bawat ngiti, tingin at mga pagtawa alam kong may mga bagay na nag tatago,
Kailangan ko ng pag salba,
Mula sa bagay na nakapaligid sakin,
Tulad sa mga pelikula na napapanood,
Sa kung paano niligtas ng prinsipe ang prinsesa mula sa kastilyo ng isang dragon,
O ang pagtakas ng magkasintahan sa mapanghusga nilang magulang,
Kailangan ko ng pagsalba,
Kagaya ng isda na napadpad sa lupa,
Mga kabibe na inanod sa aplaya,
At kailangan ko rin ng pagsalba mula sa sarili ko,
Sa kung paanong unti unting bumibigat ang pag iisip,
Ang pag sikip ng bawat pag hinga,
Buhayin muli ang mga paru parong yumaon na,
At sa tuwing sinasabi ko na kailangan ko ng pag salba ang ibig kong sabihin ay salbahin mo ako,
Tulungan mong baguhin ang pananaw ko sa mundo."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon