"Halinat ipaglaban ang ating emosyon,
Isigaw ang mga pananaw sa mga bagay bagay,
Mag ingay ng marinig ng mundo ang kung ano ang ating gusto,
Hindi ba dapat mas isipin natin ang mga sarili natin?
Na dapat ang damdamin ang dapat unahin?
Ilatag sa kanilang isipan na ganto dapat,
Na kung ano ang gusto natin ay dapat gusto rin ng iba,
Ibigay nawa ang respeto na dapat ay para sa atin,
At kung matanggap natin ito ay marapat lang nating sarilihin,
Isipin ang sarili saka na ang iba,
Gawin natin makasarili ang mundo dahil ganon din ito sa atin,
Ito ang rally ng mga tanga."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...