Masamang tingin lang ang isasagot ni Yanni sa asawa.
GINO: Biro lang. Hindi ka na ba kakain?
YANNI: Hindi na, late na ko.
GINO: Gugutumin ka niyan.
YANNI: Nasabihan ko na si Nikko to buy me something for breakfast.
She had to say it kahit hindi totoo para tigilan na siya ng asawa.
GINO: (with sarcasm) Oo nga pala, I almost forgot. Andiyan pala ang dakilang best friend. (tatayo ito at susundan ang asawa) Gusto mo ako na'ng sumundo sayo mamaya?
YANNI: Gusto mong masaktan?
GINO: Joke lang ito, naman. Ba't ba ang aga-aga ang sungit-sungit mo? Kulang ka na naman ba sa tulog?
Hindi sasagot si Yanni.
GINO: Siguro di ka nakatulog kagabi dahil sa akin no?
YANNI: (mapapatigil sa paglalakad) Hindi ka titigil?
GINO: Sabi ko nga, quiet na ko. Kita-kits na lang mamaya okay? Ingat.
Instead of replying, she just faces him, reaches out for his shoulders and clings unto them, tiptoes and kisses him lightly on the lips. Pagkatalikod...
YANNI: (mapapatigil ulit bago pumasok ng kotse) What did I just do? (mapapapikit sa inis) Haist! (ramdam nito ang pamumula ng mukha) Pwede ko namang hindi gawin yon. (hiyang-hiyang sasakay ng kotse) Jess, tara na.
JESS: (ngiting-ngiti) Sige po. Aalis na po kami, Sir.
Hindi naman sasagot si Gino. Para itong natuod sa kinatatayuanm, nakatingin sa kawalan, dahil sa ginawa ng asawa. It's the first time na nagkusa ito—as in walang pilitang naganap.
JESS: Sir Gino!
GINO: Ha?
JESS: Alis na po kami.
GINO: Sige. Ingat sa pagda-drive.
Bago ito pumasok ulit, he'll feel his lips then bites the lower one and satisfyingly smiles.
Samantala, habang nasa daan...
YANNI: (in her mind) Yanni, ano bang nagyayari sayo?
Pilit nitong iwawaglit ang lahat ng gumugulo ngayon sa kanyang isip na ang dahilan ay walang iba kundi ang kanyang asawa.
Pagdating nila sa opisina, bago bumama ng kotse si Yanni...
JESS: Ay, ma'am sandali lang po.
YANNI: O, may sasabihin ka?
JESS: (kukunin ang isang isang di kalakihang insulated bag sa front seat) Para po sa inyo.
YANNI: (aabuting ang bag) Ano to?
JESS: Pagkain po para po sa inyo. Ibigay ko daw po yan sa inyo sabi ni Sir Gino.
YANNI: Para sa akin? Galing kay Gino?
JESS: Opo. Baka daw kasi di na kayo makapag-almusal sa bahay kasi late na nga daw po kayo ng gising.
YANNI: A...okay. Sige pakisabi, salamat.
JESS: Sige po ma'am, mauna na po ako.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!