5 - The Fete

19.2K 71 5
                                        

Ilang saglit pa at matatapos na siyang ayusan ni Erin.

ERIN: My god, sweetie! You are stunningly beautiful! Look at yourself.

Maski siya ay di rin makapaniwala sa malaking pinagbago ng hitsura nito. Nagmukha siyang isang modelong kulang sa height.

YANNI: You're just saying that coz I'm your niece.

ERIN: Of course not! Kahit magpasurvey pa ko ngayon din. Now, let me fix your hair. (maglalabas ng isang tube ng gel at ilan pang gamit para sa buhok)

YANNI: (biglang tatayo) Tita, I guess, this is enough. No need to fix it. Okay na ko dito.

ERIN: No. Ayokong magmukha kang kalalabas lang ng hospital. Upo.

YANNI: Tita...wag na. Okay na po to.

ERIN: Teana, wala na tayong oras.

YANNI: Kaya nga po wag niyo na lang ayusin tong buhok ko. Mali-late na po tayo. Anong oras na po o.

ERIN: Pilosong batang to. Upo sabi!

YANNI: Okay. (babalik sa upuan)

ERIN: (starts fixing her hair) Ano ba kasing nakain mo't nagpagupit ka ng ganito kaigsi?

YANNI: (in her mind) Haist! Here we go again.

After a short while...

ERIN: See? Anong binatbat ni Snooky Serna sayo?

She did Yanni's hair into a sleek wet-look.

YANNI: (hindi sasagot but in her mind) Snooky Serna? Hay, Tita, napaghahalataan ang mga kasabayan mo.

ERIN: Every man in that party will surely fall for you. Itaga mo yan sa bato.

YANNI: (mapapangiwi) Ugh!

ERIN: Okay, now put on your gown.

Hindi kikibo ang dalaga. Nakatitig lang ito sa nasabing damit.

ERIN: Teana! Ano ba? Move!

YANNI: A, tita, pwede pong doon na lang po ako magpalit sa room ko?

ERIN: Bakit pa?

YANNI: Sige na po. Mas mabilis po ako pag doon.

ERIN: Tss! Okay. Bilisan mo lang ha.

YANNI: Opo.

Kukunin nito ang gown at papasok sa kanyang kwarto.

YANNI: Haist! Nakakainis! (ibabagsak nito ang damit sa kama) But it's too late para umatras pa ko. At pag ginawa ko yon, lagot ako. At ikaw, (sa damit ang tingin) isa ka pa! Sino ba kasing nakaimbento ng mga gown gown na to? Asar talaga.

Maririnig nito ang boses ni Erin sa tapat ng pinto.

ERIN: (knocks) Are you done?

YANNI: Yes, Tita. Magsi-CR lang po ako saglit. Mauna na po kayo sa baba. Susunod po ako.

ERIN: Okay. Hurry up...don't stay too long.

YANNI: Opo. (nakasimangot na kukunin ulit ang gown)

Isusuot na sana nito ang gown nang may maisip ito bigla.

YANNI: Wait...(maniningkit ang mga mata nit) Hmmm...(mangingiti) I know now what to do.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon