YANNI: Ma!
GINO: (mapapakamot sa ulo) Wala pa nga po e.
ELLY: Aba, bilis-bilisan niyo naman kung ganun.
YANNI: Ma!
ELLY: Ano ka ba? Para kang baka sa kakamama diyan. Ano bang masama sa sinasabi ko?
YANNI: Ma, nakakahiya...
ELLY: Anong nakakahiya? Natural lang na mag-demand na ko ng apo no. And for sure hindi lang ako kundi pati na rin ang Tita Erin mo at ni balae. Baka nga mas inip na yong mga yon kesa sa akin.
YANNI: Haist! (mapapapikit na lang ito dahil sa hiya)
GINO: Don't worry ma, tonight, we'll work on it.
YANNI: Isa ka pa! (sabay siko sa asawa)
ELLY: Pero seryoso, wala pa ba talaga kayong balak?
YANNI: (laglaga ang mga balikat, sa isip nito) Patay na.
GINO: Kung ako lang po ang masusunod, gustong-gusto ko na po. Di ko lang po alam dito sa anak niyo.
Mapapatingin ng masama si Yanni sa asawa dahil sa sinabi nito.
ELLY: E yon naman pala e. Gusto naman na pala ng asawa mo. E anong problema ha, Teana?
YANNI: Ma, pwedeng sa ibang araw at lugar na lang natin to pag-usapan? Kung gusto niyo mag-set tayo ng date, yong tayong dalawa lang.
ELLY: Hay naku Yanni. Sana naman mapagbigyan mo kami.
YANNI: Ma, hindi pa po kasi panahon. I mean, busy pa po kasi kami sa trabaho, sa maramig bagay...marami pang dapat na i-consider. At isa pa, gusto pa po naming makilala ang isa't isa, at ma-enjoy yong pagsasama namin na kami lang po muna. (sabay lingon kay Gino na tila humihingi ng pagsang-ayon)
GINO: (patay-malisya, kunwari walang narinig) Ha?
YANNI: Haist! (sabay irap)
ELLY: Sabagay...pero sana naman wag niyo nang masyadong patagalin. Tingin ko naman mukhang okay na okay na kayo and at ease na kayo sa isa't isa; well-adjusted na kayo bilang mag-asawa.
YANNI: (mumbles) Yan ang akala niyo.
Pasimple naman siyang sisikuhin ni Gino dahiil sa sinabi.
GINO: Don't worry po ma, kukumbinsihen ko po siya.
ELLY: That's good to hear. Excited na talaga kaming lahat.
YANNI: (murmurs) Kayo lang.
GINO: (masama ang tingin sa asawa) Umayos ka nga.
YANNI: (iibahin ang usapan) Ay, ano ba yan? Ba't wala pa yong order? Ang tagal naman. Gutom na ko.
Pagkatapos kumain, didiretso naman ang tatlo sa isang coffee shop.
YANNI: Siya nga pala ma, si Kei?
Hindi agad makakasagot ang tinanong. Lalong magtataka ang dalawa dahil sa biglang pag-iba ng mukha ni Elly—bigla itong malulungkot.
YANNI: Ma...may problema ba?
ELLY: Hindi ko alam kung paano ko to sasabihin sa inyo.
YANNI: Bakit po? May nangyari po ba sa kanya? May ginawa po ba siyang mali?
ELLY: Yon nga yong problema e. Hindi ko alam. Lately kasi bihira na lang kaming magkitang dalawa.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansaSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!