Ilang saglit pa...
YANNI: Hello? Joseph?
JOSEPH: O, Yanni! Napatawag ka?
YANNI: Kasi ano...um...nakalimutan kong kunin kagabi yong gamit ko sa kotse mo.
JOSEPH: A...yon ba? Sige. Ihatid ko na lang sa bahay niyo.
YANNI: Ah...hindi...wag na lang. Pwedeng magkita na lang tayo today? Ikaw na lang magsabi kung saan. Pero sana ngayong umaga kung pwede. May pupuntahan kasi kami—I mean ako. Baka pwedeng daanan ko na lang.
JOSEPH: Sige.
Pagkatapos mag-usap ng dalawa...
GINO: (in a serious tone) Sumakay ka sa kotse ng lalaking yon ng ikaw lang?
YANNI: O...oo...
Lalong kukunot ang noo ni Gino sa narinig.
YANNI: Okay, okay...bago ka mag-isip ng kung anu-ano at bago ka mainis or magalit, pwedeng magpaliwanang muna ako? (ilalahad ang buong pangyayari)
GINO: Next time wag mo nang gagawin yon.
YANNI: Ano bang masama? Kaibigan ko naman siya. Tsaka para lang din naman akong nag-taxi. Mas okay pa nga yon kasi kilala ko siya e.
GINO: (halata sa mukha nito ang selos) Sa iyo okay, pero sa akin, hindi.
YANNI: Gino...
GINO: Basta. Promise me, di ka na uli sasakay sa kotse niya or sa motor ni Nikko or kahit na kanino.
YANNI: (mapapatango na laman) Okay.
GINO: And just in case gabihin ka ulit—of course this time for a more 'valid' reason—sabihan mo ko. Ako mismo ang susundo sa'yo. And make sure na fully charged phone mo.
YANNI: Fully charged talaga? Lagi?
GINO: I'm serious.
YANNI: (mapapabuntong-hininga at mapapatango na lamang) Oka po.
Ayaw na nitong humaba pa ang usapan nila, or i-oppose siya, baka magkainitan pa ulit.
YANNI: Ano, tara na?
GINO: Tara.
Sa isang restaurant magmi-meet sila Yanni at Joseph.
YANNI: Pasensya na kung naabala kita. Importante lang kasi tong mga to. (tukoy niya ang mga papeles sa envelop)
JOSEPH: (ngiting-ngiti) Okay lang yon, basta para sayo.
Nasa may di kalayuan naman si Gino, nakatanaw at nakamasid sa kanilang dalawa. Hindi niya pwedeng samahan ang asawa.
JOSEPH: Um...kumain ka na ba?
YANNI: Tapos na, salamat. Ikaw?
JOSEPH: Hindi pa nga e. Aayain sana kita na sabayan ako. Pwede ba? Kain ka ulit.
YANNI: Pasensya na pero di talaga ako pwede today. May lalakarin kasi ako.
JOSEPH: Ganun ba? Sige, okay lang. May next time pa naman e.
Mangingiti lang si Yanni sa sinabi ng kaharap.
JOSPEH: Teka, gusto mo bang ihatid na kita? Saan ba ang punta mo?
![](https://img.wattpad.com/cover/1429377-288-k203890.jpg)
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!