15 - Clueless

18.2K 74 5
                                        

YANNI: And the devil is here. (eye rolls)

MUA2: Sir Gino, ano pong masasabi niyo?

Hindi makakasagot ang binata. Titig na titig lang ito kay Yanni.

MUA2: Sir! Sir Gino!

GINO: Ha? May sinasabi ka?

MUA2: Sabi ko po, ano pong masasabi niyo sa look ni Ma'am Yanni?

GINO: Um...she's...she's...

YANNI: Never mind. Wag mo ng sabihin. Alam ko naman na gustong-gusto mo na kong pagtawanan dahil sa hitsura ko ngayon.

GINO: Of course not. Why would I do that? Thanks guys. You did great. She looks more than amazing.

Kilig na kilig naman ang dalawa sa sinabi ni Gino.

YANNI: Whatever! Ba't ka ba nandito?

GINO: Sinusundo ka.

YANNI: Sinusundo? Bakit, sa tingin mo ba di ko kayang pumunta dun mag-isa? Nag-aalala ka ba na baka mawala ako pag mag-isa lang akong pumunta dun? Or nag-aalala ka na baka isahan na naman kita at hindi ako pumunta dun.

GINO: All of the above, kaya let's go. (kukunin ang kamay ni Yanni and intertwines their fingers)

YANNI: Teka, hoy! Sandali!

Habang naglalakad papuntang venue...

YANNI: Pwede ba, Gino, bitiwan mo na ko? Kaya ko namang pumunta dun mag-isa e.

Parang wala namang naririnig ang binata. Mas lalo pa nitong hihigpitan ang hawak sa kamay ng dalaga.

YANNI: Haist!

Unmindfully, ilang beses na mapapasulyap si Yanni sa binata who's in a pure white linen island shirt paired with stringed white pants and a pair of white casual canvas shoes.

YANNI: (sa isip nito) May hitsura nga talaga tong unggoy na to. Ilang babae na kaya napaiyak nito? Sino-sino na kaya naging girlfriend niya at ilan na kaya sila? (shakes her head) Teka, ano ba tong naiisip ko? Haist! Pakialam ko ba sa unggoy na to. Nakakainis! (mapapapikit sa inis)

GINO: You look cute.

YANNI: (mapapatingin ng masama kay Gino) Cute? Ano ako tuta? Pwede ba, kung mang-aasar ka lang, mauna ka na dun. Bitiwan mo na ko.

GINO: O, puso mo. Kalma. Sige na, hindi ka na cute. You are beautiful.

YANNI: Ugh! Shut up!

GINO: Ano, ready ka na ba tonight?

YANNI: Ready saan? E manunuod lang naman ako di ba? Hindi ko nga maintindihan kung ba't kailangan ko pang magsuot at mag-ayos ng ganito. Aba, kulang na lang pakpak tsaka magic wand. Ready na ko for my halloween costume.

GINO: Ano ka ba? Bagay nana bagay nga sayo e. Ikaw lang tong di maka-appreciate sa sarili mo. Basta mamaya, be ready for your participation.

YANNI: Anong participation?

GINO: Basta, malalaman mo rin in quite a bit. (then sweetly smiles)

YANNI: Sabi ko na nga ba't may binabalak tong mokong na to.

Pagdating sa venue...

Magugulat na lang si Yanni pagkakita nito kay Elly, Erin at Kei na masayang nagkukwentuhan sa table na nakalaan para sa kanila kasama si Ces. Titingin ito kay Gino na para bang nagtatanong kung bakit andun sila. Ngingiti lang ang huli. Matitigil ang tatlo sa pag-uusap ng makalapit ang dalawa sa mga ito.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon