29 - Her Scheme

17.7K 69 8
                                        

GINO: Gusto mong pumasok?

YANNI: Hindi, wag na.

GINO: Sige na.

YANNI: Hindi na nga.

GINO: Natatakot ka ba sa akin—na baka may gawin ako sayo?

YANNI: Subukan mo lang.

GINO: Halika na kasi. (hahawakan niya si Yanni sa may kaliwang braso at beywang nito at aakayin papasok)

YANNI: Sinabi ng ayoko e.

Pero wala na itong magagawa pa lalo na ng isara ulit ni Gino ang naturang lagusan.

GINO: Welcome to our room, sweetheart!

YANNI: Sweethart-in mong mukha mo. Tumigil ka!

GINO: O, wag ng magsungit. Bawal bad vibes dito sa kwartong to.

YANNI: E di bawal ka pala dito.

GINO: Hay, ang cute cute mo talaga pag nagtataray ka.

YANNI: Alam mo ikaw, tuso ka talagang unggoy ka.

GINO: Gwapo naman.

YANNI: Tss!

Ililibot ni Yanni ang paningin sa buong kwarto. It's really a big one; halos triple ang laki nito compared sa kwarto niya sa bahay nila. King size ang bed, carpeted ang floor. Then, mahahagip ng mga mata nito ang isang familiar na bagay sa may ibabaw sa isa sa dalawang side table. Agad niya itong lalapitan at kukunin.

YANNI: Sabi ko na nga ba e. (she's looking at a frame containing her 'missing' photo and Gino's)

GINO: (mangingiti) Sorry.

YANNI: Ba't kailangan mo pang nakawin tong picture ko?

GINO: Bakit, pag nanghingi ba ako sayo, bibigyan mo ko?

YANNI: Asa ka pa.

GINO: See? Amin na nga yan. (in a soft voice) Baka kunin mo pa. (kukunin ang frame kay Yanni)

YANNI: Pwede ba, tanggalin mo yan diyan?

GINO: Ayoko nga. Ba't ko tatanggalin? Ang ganda ngang tingnan o. (ibabalik ang frame sa ibabaw ng side table) And I really like your look here. Very charming—walang kulurete, walang kung anu-ano sa mukha, very innocent-looking at simple lang.

YANNI: Haist! Sinabi ng— (aabutin ang frame pero agad siyang pipigilan ni Gino)

GINO: Sige, subukan mong tanggalin yan, makikita mo.

YANNI: Tinatakot mo ba 'ko?

GINO: Hindi naman, binabalaan lang kita.

YANNI: Tss! Anong pinagkaiba nun? (itataob ang nasabing frame)

Mapapatingin si Yanni sa isang malaking rectangular mark sa may itaas ng medium sized couch na naroon.

GINO: Siguro nagtataka ka kung ba't ganyan yan.

Hindi sasagot si Yanni.

GINO: Tinanggal ko kasi yong frame na nakasabit diyan. But don't worry, next week meron na ulit nakasabit diyan.

YANNI: Hindi ko tinatanong, hindi rin ako interesado at wala akong pake kung ano man ang ilalagay mo diyan.

GINO: Of course, you do. Magiging dwelling place mo na rin to, remember? And it starts tonight.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon