21 - Skedaddle

18K 64 9
                                        

YANNI: Haisst! Umagang-umaga... (inis na ide-deny ang tawag)

Makakailang rings pa ito pero lahat ide-deny niya. Hanggang sa iritang-irita na siya dito kaya i-o-off na lamang niya ang nasabing unit.

Samantala...

GINO: Out of service? Pinatay niya cellphone niya? (nakatingin ito sa cellphone) Hay...Teana, Teana, Teana....kelan ka pa kaya masasanay? (dials again)

Balik kina Yanni...

Magugulat na lamang ito dahil sa biglang pagtunog ng phone sa may gilid ng desk niya.

YANNI: Yes, boss?

REGGIE: Yanni, kanina ka pa daw tinatawagan ni Sir Gino, pero nakapatay daw ang phone mo.

YANNI: Ah...e...boss...lowbat po kasi.

REGGIE: Umagang-umaga lowbat agad? Ano ba yan? Ano bang klaseng ka-abnormalan yan?

YANNI: E nakalimutan ko po kasing i-charge tsaka nakalimutan ko din pong dalhin yong charger ko.

REGGIE: Okay, since pareho naman tayo ng phone unit, hiramin mo na lang tong charger ko dito.

YANNI: Sige po. Thank you po.

REGGIE: O, ipapasa ko na lang yong line sayo ha.

YANNI: Sige po. (sa isip nito) Mautak talaga tong Saravia na to.

Pagkareceive ng line...

YANNI: Hello?

GINO: Good morning my dear wife!

YANNI: (in a casual tone) May kailangan po ba kayo sir?

GINO: Wala naman. Nangangamusta lang. Ano, nakapag-impake ka na ba? Excited ka na ba sa bago mong dwelling place?

YANNI: Tapos ko na po yong report, yong date na lang po ng presentation ang inaantay namin.

GINO: Good. Nabasa mo na ba yong article about sa atin?

YANNI: (pilit na kokontrolin ang inis) Kayo po ba sir ang gumawa nun?

GINO: Si Mama ang responsible dun. But don't worry, she made sure na walang anumang mababanggit tungkol sayo.

YANNI: That's great to hear. So, wala na po ba kayong sasabihin?

GINO: Tonight, pupunta ako sa inyo. Luto ka ha.

YANNI: (mapapalakas ang boses) Na naman?

Bigla itong mapapatingin kay Nikko na tila nakikinig sa usapan nila.

YANNI: (whispers) Ba't kailangan mo pang pumunta ulit sa amin? Kagagaling mo lang dun kagabi a.

GINO: Miss na kasi kita.

YANNI: Shut up.

GINO: Basta, see you later. Have a nice day, Mrs. Saravia.

YANNI: (in a sarcastic way) Okay, sir, have a nice day, too. Thank you for calling. (whispers) Madapa ka sana. (ends the conversation) Ang kapal talaga ng mukha!

NIKKO: O, relax lang.

YANNI: Tss! Panira talaga ng araw.

NIKKO: Yong mortal enemy mo ba yon?

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon