GINO & YANNI: Ano?!
GRACE: I'm sorry guys. I know dapat matagal ko ng sinabi to sa inyo para di na umabot sa ganito lalo na yang alitan niyong dalawa.
YANNI: Are you sure about that?
GRACE: (mangingiti) I've never been so sure in my entire life than to follow my real calling.
YANNI: Pero...pero paano yong sparks between us? Akala ko pa naman okay na tayo, na ako ang pipiliin mo...then makukuha ko na ang matamis mong oo. (para itong batang nawawalan ng favorite toy)
GINO: (lilingunin si Yanni) Hoy, kilabutan ka nga diyan sa sinasabi mo!
YANNI: At anong gusto mo, ikaw yong piliin at sagutin niya, ganun? (masama ang tingin nito sa binata)
GRACE: Guys, tama na, please. Sana irespeto niyo na lang kung anong decision ko. I'm sorry kung nasaktan ko man kayo or napaasa. It wasn't my intention at all. Napamahal na rin kayo sa akin bilang mga kaibigan ko.
GINO: (mangingiti) Kung yan ang gusto mo, wala na kaming magagawa pa. Nirerespeto namin ang decision mong yan. At mabuti na rin yan kesa mapunta ka sa kung sinu-sino lang especially sa mga taong mapagpanggap at bansot.
YANNI: Sinong bansot? (halos magdugtong ang mga kilay nito) Pinaparinggan mo ba ako?
GINO: Did you hear me mention a name?
YANNI: Sumusobra ka na ha.
Mapapailing na lang si Grace sa bangayan ng dalawa.
GIO: A, Grace, pasensya ka na ha. Di niya kasi alam na ang tunay na lalaki, dapat marunong tumanggap ng kabiguan at pagkatalo. Sige, aalis na kami. (hahawakan sa braso si Yanni at pilit na isasama palabas) Sorry ulit if na-disappoint ka namin.
Mapapatango lang si Grace.
YANNI: Teka, sandali, mag-uusap pa kami! Baka naguguluhan lang siya. Ano ba?
GINO: Let's go! Umuwi na tayo. (hihilain si Yanni hanggang sa labas ng bahay)
YANNI: Kung gusto mo ng umalis, mauna ka na. Hindi naman tayo pareho ng bahay di ba? Kung makapagsabi ka ng 'umuwi na tayo', akala mo tatay ko. Haist! (sabay bawi sa braso)
Babalik pa sana si Yanni sa loob pero bigla siyang haharangin ni Gino at walang sabing yayapusin sa may beywang gamit ang isang kamay nito at tatakpan ang kanyang bibig gamit naman ang kabila. Tila tuod namang nakatayo lang si Grace sa may pintuan, matutulala dahil sa dalawa.
GINO: Bye, Grace. All the best sa bagong landas na tatahakin mo.
YANNI: (pilit na tatanggalin ang kamay ni Gino sa bibig niya) Ano ba?! Sabi ng bitiwan mo ko.
GINO: Halika na! (dalawang kamay na nito ang nakayapos sa dalaga)
YANNI: Sandali nga! (pasigaw) Bye, Grace! Sana maging masaya ka diyan sa decision mo! Bitiwan mo nga ako!
Pagkalabas ng gate, tsaka lang bibitiwan ni Gino si Yanni.
GINO: Di ka ba nakakaintindi o talagang makitid lang yang utak mo? Narinig mo naman di ba kung sino ang totoong mahal niya. Makikipag-compete ka pa ba?
YANNI: Bakit, ikaw, di ka man lang ba affected?
GINO: Of course, I am. Pero talagang ganun. It's reality at kailangan mong tanggapin yon. You need to be open to it.
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansaSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!