72 - Pa-bae-bae

9.2K 67 13
                                        

GINO: (agad na lalapitan, yayakapin at hahagkan ang asawa) Hi, baby!

YANNI: Uy, ba't nandito ka na? Anong oras pa lang a.

GINO: Wala na kasi akong gagawin sa opisina so umalis na lang ako.

YANNI: Haist! Ano na lang kayang sasabihin ng iba?

GINO: E di wala. Minsan-minsan lang naman to. Tsaka alam ng secretary ko na bibisita ako kay papa today. So, pag may nagtanong, at least may maisasagot siya.

YANNI: Hay naku! Ginawa mo pa talagang excuse si papa.

ZANDRO: Yon nga rin ang sinabi ko sa kanya, anak.

GINO: Okay lang yon, Pa.

YANNI: Teka, gutom ka ba? Bumili ako ng merienda.

GINO: Actually, may dala din ako.

By then mapapansin ni Yanni ang ilang suppot na nakapatong sa sofa.

YANNI: Ba't andami naman ata niyan?

GINO: I just wanna make sure na di ka magugutom.

YANNI: Di naman talaga ako magugutom kasi pwedeng-pwede naman akong bumaba para bumili any time.

GINO: Para di ka na maabala pa.

YANNI: Tss!

GINO: Yong iba, nilagay ko na sa ref; iinitin na lang.

YANNI: Sana di ka na nag-abala pa.

GINO: Hayaan mo na. Gusto ko e.

YANNI: (in a soft and sweet voice) Ang sweet naman. Thank you.

GINO: De nada.

ZANDRO: Gino, hijo.

GINO: Po? (sabay lingon)

ZANDRO: Hindi naman ba sakit ng ulo yang anak ko? Hindi ba pasaway?

YANNI: Pa...!

GINO: Hindi naman po. Pero nung una—nung bagong kasal pa lang po kami, medyo po.

YANNI: Haist! Wala na ba kayong ibang pwedeng pag-usapan maliban sa akin?

ZANDRO: Tingnan mo, guilty agad.

YANNI: Papa naman e.

ZANDRO: Pero Yanni, anak, sinasabi ko sayo, alagaan mo tong asawa mo ha at pakamamahalin mo. Bihira ka na lang makahanap ng isang lalaking gwapo na e sobrang bait pa.

Mapapatingin si Yanni sa asawa. Kikindatan naman siya ng huli.

YANNI: Hay naku, lalo na namang magyayabang tong mokong na to sa akin.

ZANDRO: E sa totoo naman. May ipagyayabang naman talaga.

Gino smiles with a swank.

YANNI: Tss! Sinasabi ko sayo, ganyan talaga tatay ko. Masanay ka na sa kanya.

GINO: (bahagyang matatawa) Ba't ba parang di mo matanggap na totoo yong sinasabi niya?

YANNI: Ewan ko sa inyo.

ZANDRO: Maraming salamat talaga hijo sa kabutihan mo sa anak ko...sa akin. Kung tutuusin, hindi mo pa ko lubos na kilala at kung tutuusin din marami kang rason para magalit sa akin lalong-lalo na yong ginawa ko sa pamilya ko, pero heto ka pa rin sa tabi namin. Salamat...maraming salamat. Alam kong wala akong kakayanan na maibalik sayo ang lahat ng naitulong mo kaya bahala na ang Poong Maykapal sayo, anak.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon