47 - Trained

17.2K 64 8
                                    

YANNI: Sabi ko na nga ba e. (itututloy nito ang paglapat ng ice pack)

GIO: Sorry na. Di na mauulit, promise.

YANNI: Talagang di na mauulit. Tingnan mo tuloy, napaaway ka na nga, nagkapasa ka pa.

GINO: Di naman ako ang may kasalanan nito e.

YANNI: E sino? Si Darren tsaka yong chikboy mong pinsan?

GINO: Ipinagtanggol ko lang sarili ko.

YANNI: Ano ba kasing nangyari? Ba't ka nasuntok?

GINO: May makulit kasing babae dun na lapit ng lapit sa akin.

YANNI: A...ganun?! (sabay diin ulit sa ice pack) At nakipaglandian ka naman sa kanya tapos nahuli kayo ng boyfriend ng maharot na yon kaya ka niya sinuntok.

GINO: Aray! Aray! Be gentle naman o. Sinabi ko lang naman sa kanya na may asawa na ko, tas feeling niya, nabastos na siya nun, sinumbong ba naman ako. Mali naman yong sumbong.

YANNI: Buti nga sayo, at least natuto ka.

GINO: Aray! (hahawakan ang kamay ng asawa) Teka, nga, nagseselos ka ba?

YANNI: Mukha mo! (didiinan pa nito ang paglapat)

Gino then takes the ice pack from her at basta na lang ihahagis ito sa may likuran ng asawa. Then he stares at her intently.

YANNI: Hoy, ano na naman ba to? (babawiin ang braso)

Patuloy lang na nakatitig sa kanya ang asawa. Mapapalunok naman si Yanni dahil sa mga titig nito. Feeling niya anytime, she'll melt.

YANNI: Matulog na tayo, okay? (tatayo ito pero pipigilan siya ng asawa dahilan para mapaupo ulit ito) Ano ba? Gino!

GINO: (he slides his other hand over her nape) I love you so much, Teana...and I need you. I want you. (dahan-dahan nitong ilalapit ang mukha sa asawa)

Mistulang isang tuod naman si Yanni na di makakilos at di malaman ang gagawin o sasabihin. Manlalaki na lang ang mga mata nito nang maramdaman ang mga labi ni Gino sa kanyang mga labi na tila sinusuyo ang mga ito. She'll try to resist but eventually gives in. She'll be drawn to him, as the kiss grows deeper and more passionate. Then, his lips go downward to her neck and there he plants warm small kisses. This makes her moan softly as she grasps and clutches his shoulders. Slowly, he lays her down the soft couch and his hands start to find their way.

Mararamdaman naman ni Yanni ang malamig na bagay sa kanyang likuran—ang ice pack. By then, bigla itong matatauhan at malakas na itutulak si Gino.

YANNI: No! Gino, stop!

Agad siyang tatayo at aayusin ang sarili.

GINO: Yanni, I'm sorry. (aabutin ang kamay ng asawa pero agad nababawiin ito ng huli) I'm so sorry.

YANNI: Matulog na tayo. (kukunin nito ang ice pack at ibabalik sa mangkok tsaka tutunguhin ang kama)

GINO: (agad na tatayo at susundan ang asawa) Yanni...Yanni, I'm sorry.

Hindi naman sasagot si Yanni. Tahimik lang itong mahihiga.

GINO: (mahihiga na rin) Yanni...

YANNI: Matulog ka na.

GINO: (yayakap sa asawa at ihihilig ang ulo sa may balikat nito) Good night. I love you. (kisses her on the head tsaka aayos ng higa)

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon