49 - Decided

17.1K 58 6
                                        

JOSEPH: Bakit?

YANNI: Um...pwedeng...pwedeng umupo na tayo? Balik na tayo dun. Pagod na kasi talaga ako e. Please?

JOSEPH: Okay, sige. Anyway, kailangan ko na ring umalis.

YANNI: A...okay.

Ang hindi alam ng dalawa, lalo na si Yanni na kanina pa nakamasid si Gino sa kanya at sa lahat ng naging mga kasayaw nito, madilim ang mukha at kuyom ang mga palad.

After a while, habang abala sa pakikipag-usap si Yanni sa mga kasama, isang waitress ang lalapit sa kanya at bubulong.

YANNI: Bakit daw?

WAITRESS: E, ma'am, hindi ko po alam e. Wala po silang sinabi. Basta ang sabi lang po ihatid ko daw po kayo dun sa room.

YANNI: Okay.

Magpapaalam muna ito sa mga kasama tsaka tatayo. Idadahilan nito na may gustong makipag-usap sa kanya.

NIKKO: Naks! Mukhang umuubra na kamandag mo, tol!

YANNI: (ngiting aso) Talaga? (seseryoso) Gusto mong masaktan?

NIKKO: Joke lang. Sige na, baka naghihintay na siya dun.

YANNI: Haist! Kutusan kita diyan e. (in her mind) Ano na naman kayang kailangan ng mokong na yon at kailangan pa niya kong ipatawag? Wag lang talaga siyang magkakamaling magtake-advantage kung ayaw niyang malagot.

Sa isang tila opisina siya dadalhin ng waitress kung nasaan si Gino, nag-aantay.

YANNI: Bakit? Anong kailangan mo? (uupo ito sa maliit na couch na naroon at huhubarin ang suot na sapatos) Haaaayyy...salamat. (sabay sandal at pikit ng mga mata habang parang batang pinaglalaro-laro niya ang mga paa sa malamig na sahig)

Hindi sasagot si Gino. Tutunguhin nito ang pinto at ilo-lock dahilan para biglang umayos ng upo si Yanni, halos magdugtong ang mga kilay nito.

YANNI: Hoy, hoy! Ano yan? Ba't mo ni-lock yong pinto?

GINO: Bakit, may problema ba? (closes all the vertical blinds, concealing them from any passerby)

YANNI: Hoy, Saravia, alam ko yang tumatakbo diyan sa utak mo. Tumigil ka.

GINO: (with a smirk) Really? (goes in front of her, then stoops down and places his hands on the headrest, cornering her) Sige nga, sabihin mo nga sa akin kung anong nasa utak ko ngayon. (bites his lower lip)

YANNI: Haist! Sabi ko na nga ba e. Dapat talaga di na ko pumunta dito. (sabay tulak sa asawa)

With a snicker, he straightens up and sits beside her.

GINO: You came here kasi di mo ko matiis, di ba?

YANNI: Mukha mo! Ano ba talagang sasabihin mo kasi? Ang dami pang patalastas e.

Hindi sasagot ang tinanong. Nakatitig lang ito sa kanya.

YANNI: Hoy, ba't ganyan ka makatingin? May dumi ba ko sa mukha?

Wala pa ring sagot ang isa.

YANNI: (yamot at iritado) Wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Kinikilabutan ako sayo e.

Hindi pa rin iimik ang asawa.

GINO: Okay, fine. Wala ka naman palang sasabihin e. Pinatawag-tawag pa ko dito. (sabay tayo)

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon