48 - The Stunner

17.1K 59 7
                                        

NIKKO: Pero, okay lang. Maganda naman sayo e, bagay sayo, kaya sorry siya. Tsaka para naman once in your lifetime, ma-try mo din magsuot ng ganito.

YANNI: Psh! Kung di ko lang talaga mahal ang trabaho ko.

NIKKO: At wala ka na rin kasing magagawa pag si boss na ang may utos.

YANNI: Isa pa yon. If I know, gusto nun naka-gown din.

Matatawa ng marahan si Nikko sa sinabi ng kaibigan.

NIKKO: Alam mo tol, I'm sure mapagkakamalan kang date ko tonight and I'm sure din, maraming lalaki ang maiinggit sa akin.

YANNI: (walang kangiti-ngiti) At sigurado din ako na pag di ka tumigil, darating ka dun ng may black eyeshadow yong isa mong mata.

NIKKO: Ito, di lang mabiro. Pero, seryoso, ibang-iba talaga hitsura mo, bro!

YANNI: Hay...talaga naman!

NIKKO: And I'm sure magugulantang lahat pag nakita ka.

YANNI: Titigil ka ba o hindi? Gusto mo bang dumating sa party na iika-ika?

NIKKO: Okay, suko na po ako. Pero ito paalala lang.

YANNI: Paalala saan?

NIKKO: Ihanda mo na yang sarili mo.

YANNI: Ihanda saan?

NIKKO: I'm sure daming magkakakursunada sayo dun especially sa SRCo. Baka di ka na makabalik ng upuan mo niyang once na nag-start na ang sayawan.

YANNI: Yon ay kung may maglalakas-loob.

NIKKO: Ano, pustahan tayo?

Yanni just rolls her eyes.

NIKKO: But don't worry, dadaan muna silang lahat sa akin, bago ka nila malapitan. Kikilatisin ko muna kung pasado bago ka dalhin sa dance floor.

YANNI: Haist! As if naman. Ikaw pa na kating-kati ng sumayaw. Baka nga di pa tayo tapos, nasa gitna ka ng ng dance floor nag-aantay na lang ng tugtog.

NIKKO: Grabe naman to. Ang OA naman.

YANNI: Bakit, totoo naman a. Remember yong nangyari sa—(pang-asar ang ngiti nito)

NIKKO: Wag mo na ngang ipaalala yon. Medyo lasing ako nun kaya nangyari yon.

YANNI: Weh! Di nga? E yong nagpunta ang grupo sa—

NIKKO: Okay, okay, stop na. Titigilan na kita. Pambihira. Kailangan ba talagang ungkatin lahat?

YANNI: Wag kasi ako.

NIKKO: Oo na nga, panalo ka na.

Pang-asar na ngiti lang ang sagot ni Yanni.

Pagdating sa venue, doon na huhubarin ni Yanni ang suot nitong jacket at isusuot ang heels na baon. Marami sa mga kasamahan niya ang mapapatingin agad sa kanya at hindi agad siya makikilala. At hindi nga nagkamali si Nikko sa sinabi niyang maraming mapapahanga sa kanya lalo na sa mga kalalakihan.

GREG: Pare, si Yanni.

PETER: Wow, tol, siya ba yan? Ang ganda naman niyan.

RICKY: Maganda naman na dati si Yanni a, I mean, noon pa.

BRAD: Sabagay...pero grabe lang ang transformation niya tonight. Sinong mag-aakalang magiging ganyan hitsura niya pag naayusan? Tas tingnan mo, kelan pa siya nasanay na maglakad gamit yang pamatay na stiletto niya?

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon