Ilang saglit pa, matatapos din ang dalawa. Gino sits, stretches and slouches on the soft couch.
YANNI: (nakapameywang) Hoy, ano pang ginagawa mo diyan? May painat-inat ka pang nalalaman. Umuwi ka na. Anong oras na o.
GINO: (mangingiti) Uy, nag-aalala ka ba na baka may mangyari sa akin sa daan?
YANNI: Mukha mo! Ikaw ang dapat mag-alala para sa sarili ma kasi baka kung ano ang magawa ko sayo pag di ka pa umalis. At isa pa, gusto ko ng magpahinga kaya pwede, shoo!!!
GINO: Ba't ba asar na asar ka sa akin? Di mo pa rin ba matanggap na ako ang napang-asawa mo...na kasal ka na sakin?
YANNI: E ba't ikaw, tanggap mo rin ba na ako ang napang-asawa mo...na kasal ka na sakin?
GINO: Oo naman! Tanggap na tanggap!
YANNI: Hoy, hindi ako nakikipagbiruan sayo.
GINO: At hindi rin ako nagbibiro.
YANNI: Whatever! Umuwi ka na nga kasi.
GINO: Pwede bang magpahinga muna ako saglit?
YANNI: Ikaw...namimihasa ka na ha. Parang yon lang ang ginawa mo, napagod ka na agad?
GINO: Nakakapagod kayang tumayo dun ng ganun katagal.
YANNI: O di ba, ikaw may gusto niyan? Wala namang pumilit sayo na gawin yon tapos ngayon rerekla-reklamo ka. At isa pa, may nagliligpit ba ng pinagkainan na nakaupo?
GINO: Oo na po. (murmurs) Sinabi lang na nakakapagod tumayo, ang dami na agad sinabi.
YANNI: Anong sabi mo?
GINO: Sabi ko, pwede bang maupo ka muna? Hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa nakatayo. Tas di ba nangangalay yang kilikili mo kakapameywang?
YANNI: Nang-aasar ka ba?
GINO: Joke lang. Maupo ka nga kasi.
YANNI: Ayoko. Umuwi ka na.
Biglang aayos ng upo si Gino at magseseryoso at matamang tititig sa kanya.
YANNI: Ba't ganyan ka makatingin?
GINO: Let's talk.
YANNI: Wala na tayong dapat pag-usapan, okay? Kaya umuwi ka na.
GINO: Meron.
YANNI: Gino, pwede ba, gusto ko na talagang magpahinga.
GINO: Saglit lang to. Kaya pwede rin bang maupo ka na muna?
YANNI: Ano na naman ba to? Tungkol na naman saan?
GINO: Sa atin.
YANNI: Di ba sinabi ko na sayo, na walang mag—
Mapapatigil ito sa pagsasalita dahil sa expression sa mukha ng kaharap. There's something in his stare that makes her feel a little chill. The same thing she felt nung time na isinuot nito ang kwentas sa kanya na tila ba may dalang babala.
GINO: Maupo ka muna, please?
Wala ng magagawa pa si Yanni kundi ang maupo ito.
YANNI: So, what is it this time?
GINO: Gusto kong sa bahay ka na tumira.
YANNI: (in a loud voice) What?!!
GINO: Pwede ba, yang boses mo.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansaSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!