YANNI: Saravia!
Tatawa-tawa lang ang isa.
YANNI: Alam mo ikaw, pilyo ka talaga! Bad, bad, bad! (sabay tulak sa asawa pero lalo lang hihigpit ang yakap nito sa kanya) Wala ka naman talagang balak na patulugin ako e, noh? (pinches his nose)
GINO: Bawal matulog. Gusto ko i-enjoy ko muna kung ano yong meron ako ngayon, literally. (then rolls again to his side, pinning her down against the soft bed) And forgive me to tell you but I don't think I can get enough of you.
Instead of an answer, Yanni reaches for him, clings unto his neck, draws him close to her and kisses him.
And they make love until the first light.
Past eleven na nang magising si Yanni. Ramdam niya ang konting pananakit ng ulo at katawan at ang bahagyang pagkirot sa sentro ng kanyang pagkababae. Dahan-dahan itong kakawala sa pagkakayakap sa kanya ng asawa, pero lalo lang itong hihigpit.
GIO: (hisses) Matulog pa tayo. (nakapikit pa rin ito)
YANNI: Magsi-CR lang ako. Matulog ka lang. (slowly slips away from his embrace and gets up)
She sits on the bed and looks around trying to find something she can use to cover her nakedness. Wala na itong ibang makikita kundi ang button up shirt ng asawa na gamit nito kagabi. She takes it and put it on. Sakto lang ang haba nito sa petite niyang pangangatawan; the hemline reaches just above her knees.
After washing up, lalapit ito sa nakapikit pa ring asawa. She smiles upon seeing her husband's countenance.
YANNI: (bends down and in a soft voice) Hon, dito ka lang ha. Magliligpit lang ako, then I'll be back. (kisses him on the head)
Bago ito lumabas, pupulutin muna nito ang mga damit ng asawa sa sahig at ilalagay sa ibabaw ng kama.
Alas-kwatro ang dating ng mga magulang nito kaya kailangan niyang mailigpit lahat ng mga naiwan nilang pagkain at inumin kagabi sa may veranda. Hindi na rin ito mag-aabala pang magpalit ng damit.
YANNI: Bakit pa e mukhang kami lang naman ang nandito.
Pagdating sa may veranda...
A flush of hot sensation climbs up her face at once after seeing the red robe sprawling on the wooden floor.
YANNI: (picks up the robe) My god, nagawa ko yon? (mapapapikit) Haist!
Pagkatapos magligpit, papasok ulit ito sa kwarto. Mukhang tulog pa rin ang asawa kaya hahayaan na lang niya muna ito. Then, she takes her phone to contact her mother.
YANNI: Hi ma! Good morning!
ELLY: Good morning 'nak! Kumusta kayo diyan?
YANNI: Okay naman po. Kayo? Si papa?
ELLY: Ayos lang kami. Pababa na rin kami maya-maya para mag-lunch. Kayo, kumian na ba kayo?
YANNI: Hindi pa po. Maya-maya na lang din siguro.
ELLY: Tatawagan na sana kita kanina kaso pinigilan ako ng papa mo. Wag daw akong mang-isturbo at antayin ko na lang daw tawag niyo.
YANNI: Haist! Si papa talaga. Ano, excited na ba kayo sa pagpunta niyo dito?
ELLY: Oo. Lalo na tong tatay mo, di na mapakali.
YANNI: Maganda dito kaya I'm sure magugustuhan niyo lalo na si papa. (lalabas ito ng kwarto at didiretso sa may kusina)

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansaSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!