71 - Sweet Talk

9.4K 73 20
                                    

Pagkaalis ng dalawa.

YANNI: At anong nakakatawa?

GINO: Ang cute kasi nilang dalawa. Pero siyempre mas cute ka lalo na pag nagsusungit. Asar-talo ka talaga sa dalawang yon no?

YANNI: Ewan ko sayo. Umuwi ka na din kasi.

GINO: Bakit ba? Ayaw mo ba kong kasama dito?

YANNI: Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang na makapagpahinga ka...yong maayos. Sa tingin mo, saan ka matutulog dito?

GINO: E di gawin natin uli yong kanina.

YANNI: Gino!

GINO: O bakit?

YANNI: Seryoso ako.

GINO: Ano ka ba? Magagawan natin ng paraan yan.

YANNI: Hay naku. Bahala ka na nga. Tigas ng ulo.

GINO: As if ikaw hindi.

After washing up...

GINO: So, ano nang plan mo ngayon?

Magkatabi ang dalawa. Nakasandal si Yanni sa asawa habang hawak-hawak naman ni Gino ang isang kamay nito at marahang minamasahe.

YANNI: Baka mag-file muna ako ng leave of absence next week. Gusto ko kasing ako mismo ang mag-alaga kay papa. Siguro naman papayagan ako ni Boss Reggie.

GINO: Oo naman, papayag yon. Sure!

YANNI: Dahil sayo.

GINO: O, bakit dahil sa akin?

YANNI: Kasi malakas ka sa kanya. At siyempre asawa mo ko kaya bati ako nabitbit na rin.

GINO: Ano kaya yon?

YANNI: After nung Bliss, sunod-sunod ng nagsidatingan yong iba pang projects. At marami sa mga may-ari ng companies na yon kakilala mo daw and that they considered your suggestion na kunin kami.

GINO: Dahil lang dun? Di ba pwedeng talagang na-impress din sila sa presentation niyo?

YANNI: Pwede rin, pero kung hindi rin dahil sa Bliss, wala din yong mga projects na yon. Kaya grateful talaga si Boss sayo, kung alam mo lang.

GINO: Well, kung ganun...e di okay. Wala tayong magiging problema sa leave mo. (marahang tatawa)

YANNI: Kaso nahihiya na ko sa kanya especially sa mga kasama ko.

GINO: Ba't ka mahihiya, e hindi mo naman ginustong mangyari to sayo at sa pamilya mo.

YANNI: E siyempre, baka yong iba isipin nila na nagti-take advantage ako kasi asawa kita.

GINO: Wag mo kasing isipin yon, or hayaan mo sila. Basta ang mahalaga, ginagawa mo yong tama. Tsaka valid naman reason mo e.

YANNI: Sabagay.

GINO: Anyway, sa atin mo na lang iuwi si papa pag pwede na.

YANNI: Sigurado ka?

GINO: Yanni, alam mo, nakakainis ka na. (bitiwan ang kamay ng asawa at magco-cross arms) Ba't ba every time na gusto kong tumulong, laging may ganyang tanong?

YANNI: E siyempre...nakakahiya sayo.

GINO: Anong nakakahiya? E asawa nga kita at tatay ko na rin siya di ba?

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon