59 - Personal Driver

13.1K 74 27
                                    

GINO: Anong bakit? Ano bang klaseng tanong yan?

YANNI: Seryoso?

GINO: Mukha ba kong hindi seryoso?

YANNI: Anong nakain mo?

GINO: You know what? (tila nagtatampo) Nakakasakit ka ng damdamin. That's not the kind of response I was expecting from you? I thought matutuwa ka.

YANNI: Sus! Nagtampo pa. Naninibago lang kasi ako. Bakit nga ba?

GINO: Kasi gusto ko.

YANNI: Baka naman napipilitan ka lang. Sa gagawin mong yan, mapapaaga na alis mo ng bahay.

GINO: Okay lang.

YANNI: Baka naman, hanggang umpisa ka lang, tas magsasawa ka din agad.

GINO: Try me.

YANNI: Tss!

GINO: Dati pa naman di ba na gusto kong ako ang maghatid sayo? Ikaw lang yong may ayaw.

YANNI: Kasi nga di pwede.

GINO: Pero ngayon pwedeng-pwede na.

YANNI: Well, bahala ka. Do whatever you want. (gets up) O, sige na, at ayokong nali-late ako sa trabaho. Baka masisante pa kita. (bababa na ito ng kama para dumiretso ng banyo)

GINO: Yes ma'am! (sabay saludo) Ma'am baka hindi niyo po alam, pwede din po akong pang-all around—yaya, driver, tagahilod, taga-sabon, and all the likes.

YANNI: Heh! Magtigil ka! (hindi nito maiwasang mapangiti)

Sa baba...

YANNI: Wow! Nakaligo ka na rin a.

GINO: Of course, it's my first day today as my wife's personal driver. Ayokong masisante no.

YANNI: Tss! Baliw!

GINO: Maupo ka na. (sabay hila sa silya)

YANNI: Thank you.

GINO: (mauupo na rin) Anong gusto mong kainin, fried rice, bacon, ham— (aligaga itong aabutin ang isa sa mga nakahain)

YANNI: Wait! Wait! Ako na, kaya ko na. Thank you. (hindi nito malaman kung matutuwa ba siya or ma-a-awkward dahil sa ilang pares ng matang nakamasid sa kanila na tila kilig na kilig)

GINO: How about drinks? Coffee? Milk? Choco? Tea?

YANNI: (mapapatigil sa paglagay ng pagkain sa plato) Teka nga. Anong nangyayari sayo? Okay ka lang ba? (feels his forehead) May sakit ka ba?

GINO: Wala. Masaya lang ako kasi pumayag ka ng ihatid kita.

YANNI: Sus! Parang yon lang. Baka mamaya, subuan mo pa ko niyan.

GINO: Why not? Just tell me, I'll do it.

YANNI: Haist! Adik! Umagang-umaga. Ano bang nahithit mo? Kumain ka na nga.

Maski sa pagkain...

YANNI: (pasimpleng bubulong sa asawa) Will you stop staring at me like that. Nakakahiya sa kanila o.

GINO: Anong nakakahiya? Hayaan mo sila. (sabay ngiti at tango sa mga naroon)

YANNI: Isa! Babatukan na kita. Nawawalan ako ng gana sayo e.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon