69 - Safe

9.8K 78 27
                                        

GINO: (agad na susundan ang asawa) Yanni!

Halos takbuhin ni Yanni ang hallway palabas. Agad naman siyang mahahabol ng asawa at haharangin.

YANNI: Ito ba...ito ba ang surpresang sinasabi mo? (tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha nito)

Hindi sasagot si Gino, bagkus, kakabigin na lamang nito ang asawa at yayakapin ng mahigpit.

YANNI: Ang sakit sakit! Ang sakit sakit! After so many years, akala ko wala na. I thought I've moved on. Yon pala, mas matindi ngayon. Alam mo kung bakit? Nasasaktan ako dahil hindi ko na makapa ang galit ko sa kanya.

GINO: Shhhh...tama na. (sabay hagod sa likod at ulo ng asawa)

YANNI: Bakit ganun? It's unfair. Dapat galit ako di ba? Dapat galit ako. Pero bakit di ko magawa?

GINO: Nasasaktan ka dahil sa nakita mo. At hindi kayang tiisin ng puso mo na makita sa ganoong kalagayan ang sarili mong ama na naghihirap dahil ama mo siya, mahal mo siya. Ano man yong nagawa niya before sa inyo, balewala na yon, dahil nananaig pa rin sayo ang pagiging anak mo.

YANNI: Akala ko kaya ko na. Akala ko matatag na ko...na...na di na ko tatablan ng awa. Na di ako padadala sa lagay niya ngayon. Pero hind e. Naaawa ako sa kanya, Gino, and I feel so helpless.

GINO: May magagawa ka, alam mo yan. Kapatawaran mo lang ang hinihintay ng papa mo. Kapatawaran niyo ang magpapagaling sa kanya. Give him another chance.

Hindi makakasagot si Yanni. Mapapatingala lang ito at mapapatitig sa asawa. Then, dadalhin ni Gino si Yanni sa may garden at doon mag-uusap ang dalawa.

GINO: Listen to your heart, dahil ito lang ang makapagsasabi kung ano ba ang dapat mong gawin. (sabay pahid ng mga luha ng asawa) Ikaw na rin ang nagsabi that your father needs you. You almost got yourself hurt dahil sa kagustuhan mong makita siya. And now, here he is. Pagkakataon na mismo ang gumawa ng paraan para magkita uli kayo.

YANNI: Hindi ko alam. (magbababa ng tingin) Natatakot ako. Natatakot ako na baka kung anong mangyari sa kanya pag nakita na niya ako.

GINO: Wag mong isipin yan. Yesterday, I was here.

Biglang mapapatingin ulit si Yanni sa kanya.

GINO: I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo ang totoo.

YANNI: Kelan pa to?

GINO: Nalaman lang namin lahat ng to kahapon...dahil kay Kei. Ang kapatid mo ang nakahanap sa papa niyo. At kaya siya nangayayat dahil sa sa pamomroblema niya niya dito. Kaya siya nakapagsinungaling tungkol sa pera ay dahil din dito. Kinailangan niya yon para tustusan ang pagpapagamot nito.

YANNI: Matagal na niyang alam?

GINO: Sabi nya, a week after our wedding. Ayaw pa nga daw sumama ng papa niyo dahil nahihiya siya pero napilit siya ni Kei.

YANNI: At nagawa niya tong ilihim sa amin?

GINO: Dahil gaya mo, natakot din siya. Natakot siya sa mga pwedeng mangyari. Hindi maganda ang lagay ng tatay niyo at hindi niya to pwedeng ikompromiso.

Hindi makakasagot si Yanni.

GINO: At kahapon nga, nakausap ko ang papa mo at...at nabanggit niya sa akin kung gaano siya nangulila sa inyo. Gustong-gusto na rin niyang makaharap kayong lahat pero natatakot din siya. Kinakain daw siya kasi ng guilt dahil sa ginawa niya sa inyo. At alam mo ba? Kahit ganun lang kaigsi yong pag-uusap namin, ramdam ko yong labis na pagsisisi niya. He even considers his situation as a payment sa mga naging kasalanan niya, and also, he thinks he deserves to suffer.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon