Monday morning...
Halos di galawin ni Yanni ang pagkain nito. Nakatingin lang ito sa kawalan at tila malalim ang iniisip na di naman nakalagpas kay Gino.
GINO: Yanni!
YANNI: Ha? (biglang mapapalingon ito sa asawa) May...may sinasabi ka?
GINO: Sabi ko, okay ka lang ba?
YANNI: Yeah, of course, I'm okay.
GINO: I don't think so. Ano bang nangyayari sayo?
YANNI: Wala, wala. Wag mo na lang akong pansinin.
GINO: Tungkol na naman ba yan sa mga katrabaho mo?
Hindi makasagot si Yanni.
GINO: (reaches for her hand) Lilipas din yan, okay? I told you, kung talagang mga kaibigan mo sila, mauunawaan ka nila; maiintindihan ka nila. Kaya wag mo na lang masyadong isipin yon. Sige ka, tatanda ka agad niyan. Baka akalain nila, ate kita.
YANNI: Kapal mo!
GINO: Joke lang. Mukha ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa.
YANNI: Ewan ko sayo. (mapapatitig ulit ito sa kinakain sabay buntong-hininga)
Sa opisina...
Halos gusto ng matunaw ni Yanni sa masasakit at matatalas na tingin na siyang babati sa kanya galing sa kanyang mga kasamahan. And for the whole day, they'll just be civil and indifferent sa kanya. Ilan din sa kanila ang mariringgan niya ng medyo masasakit na salita't mga pasaring patungkol sa kanya. Despite of it all, pipiliin na lamang niyang manahimik at isubsob ang sarili sa trabaho. Paminsan-minsan lilingon siya sa kinauupuan ni Nikko. Pero maski ito parang walang pakialam sa kanya; she seems invisible to almost everyone.
And for nearly a week, she'll feel her almost inexistence sa opisina nila. Araw-araw, uuwi itong malungkot at minsan umiiyak pa. Sa awa naman ni Gino, he'll suggest that she better quit her job at sa SRCo na lamang ito magtrabaho.
YANNI: I can't do that...I mean, not so easily. I love my work and I enjoy what I'm doing.
GINO: Nag-e-enjoy? Really? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?
YANNI: Lilipas din to. Di ba ikaw na rin ang nagsabi?
GINO: Oo nga. Pero hanggang kelan? Hindi ko naman in-expect na tatagal ng ganito.
Hindi makakasagot si Yanni.
GINO: Nahihirapan ka na e at ayokong nakikita kang ganyan. You don't deserve to be treated that way. At isa pa, ayaw mo nun, mas gagaan yong trabaho mo, and magkakasama pa tayo.
YANNI: Gino, hindi ganun kadali lahat. Hindi naman sa bigat ng trabaho ang pinag-uusapan dito e. Tsaka pag ginawa ko yon, lalo lang lalala ang lahat, lalo pa nila akong ika-castigate.
GINO: Pero Yanni—
YANNI: Di mo rin naman kasi sila masisisi e. And since this is all my fault, ako dapat ang umintindi sa kanila at ako dapat ang mag-reach out sa kanila.
GINO: Paano kung tumagal pa yan?
YANNI: Okay, give me until tomorrow, Friday. If and only if wala pa ring mangyari, I'll quit.
Wala ng magagawa pa si Gino kundi ang pagbigyan ang asawa.
The next day, bago magsiuwian, di na mapipigilan ni Yanni ang sarili. She'll call out everyone's attention before they go out.
![](https://img.wattpad.com/cover/1429377-288-k203890.jpg)
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!