Hindi agad makakakibo si Gino sa ginawa ng asawa; hindi ito makapaniwala that his wife is now kissing her sweetly.
When the kiss ended...
GINO: Ay, tapos na ba?
YANNI: (pupunasan ang mga labi ng asawa) Baliw!
GINO: (hahawakan ang mga kamay ng asawa at paghahalikan ang mga ito) Pwede bang humingi ng advance payment?
YANNI: Haist! Ikaw—!
GINO: Biro lang. Thank you...sa uulitin. (bites his lower lip)
YANNI: Ewan ko sayo. Ubusin mo na to. (tukoy ang pagkain sa center table)
GINO: Paano ba yan, binusog mo na 'ko e?
YANNI: Gino!
GINO: Joke lang. (magsisimulang kainin ang natitirang pagkain)
YANNI: Anong oras na ba?
GINO: Bakit?
YANNI: May usapan kasi kami ni Nikko today.
GINO: Tungkol saan?
YANNI: Tungkol nga kay Kei.
GINO: A...kaya pala gustong-gusto mo ng makauwi na.
YANNI: Nakakahiya kasi ako yong may kailangan tapos—
GINO: No. Hindi pwede. Hindi ka aalis ngayon.
YANNI: Pero, na-set na kasi yong plan.
GINO: Basta, hindi pwede. At pag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede. Maliwanag ba?
YANNI: E paano yan?
GINO: Tatawagan ko na lang siya. Siguro naman, by this time alam na niya tong nangyari sayo, and I'm sure na di rin yon papayag sa gusto mong mangyari.
YANNI: E bukas?
GINO: Hindi pa rin pwede.
YANNI: What?! Why?
GINO: What? Why? Where? When? Who? Basta hindi pwede. Dito ka lang.
YANNI: Gio, napag-usapan na natin to di ba?
GINO: Oo nga. But because of what has just happened to you, I changed my mind.
YANNI: Gino...
GINO: I'll do it.
YANNI: Ha?
GINO: I said, I'll do it. Ako ang sasama kay Nikko.
YANNI: Sure?
GINO: A-ha.
YANNI: Seryoso?
GINO: Yanni, ang kulit mo.
YANNI: Pero...
GINO: Don't you trust me?
YANNI: Of course I do, pero, ayoko ng abalahin ka.
GINO: Yanni, hindi ako papasok sa susunod na dalawang araw. At isa pa, tuwing hapon lang naman di ba? Kahit pa may pasok ako, wala pa ring kaso yon. Basta, dito ka lang sa bahay at magpahinga ka. Ako na'ng bahalang tumawag kay Nikko. At kami na'ng bahalang alamin yong tungkol sa kapatid mo. Tsaka di ba gusto mong hanapin ang tatay mo? Gusto kong magpalakas ka. And gusto ko prepared ka when that day comes na magkita uli kayo.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
Storie d'amoreSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!